Gawain Bilang 2: Bugtungan Tayo! Panuto: Sagutin ang mga bugtong at palaisipan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. 1. Isang pinggan, abot bayan. 2. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. 3. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. 4. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna. 5. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao. 6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. 7. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa. 8. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin 9. May balbas ngunit walang mukha 10. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.