00 Karagdadagang Gawain Panuto: 1. Basahin ang mga sitwasyon at isulat kung paano maipapakita ang pagkamalikhain o malilinang ang iyong talento. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang mga patlang. Nagpapatulong sa iyo sa paggawa ng saranggola ang iyong nakababatang kapatid. Gusto mo siyang tulungang magkaroon ng saranggola ngunit nanghihinayang ka sa perang ipambili mo ng papel de hapon. Ang pera ay pwede nang pambaon ninyong dalawa sa pagpasok sa paaralan. May nakita kang mga lumang diyaryo sa inyong bakuran. Paano mo magagamit ang iyong pagkamalikhain? 2. Napansin mo na hindi gaanong mataba ang napunta sa iyong lupang pagtatamniman ng gulay para sa inyong proyekto sa paaralan tungkol sa paghahardin. Kinabukasan, pagpasok mo sa paaralan ay napansin mong sa isang gilid ng bakuran ng paaralan ay may tumpok ng mga nabubulok na dahon na naipon. Paano mo maipapakita ang pagkamalikhain sa paglutas sa iyong suliranin sa paghahardin? 3. Pambato ka ng inyong paaralan tuwing may paligsahan sa pag-awit. Ngunit kapag nasa labas ka na ng paaralan, hindi mo nagagamit ang husay mo sa pagkanta. Minsang nagsimba ka sa kapilya sa inyong lugar, napansin mo na walang koro na kumakanta sa misa. Paano mo maibabahagi ang iyong talento sa pag-awit? 4.Maraming kabataan sa inyong lugar ang nauubos ang oras sa paglalaro sa kalsada.Pagkagaling sa paaralan,laro agad ang inaasikaso nila.Gusto mo silang tulungan na magbago ang nakagawiang gawain.Marami kang lumang aklat sa inyong bahay at alam mo na malaking tulong sa mga kabataan kung makapagbabasa sila ng aklat hindi lang sa loob ng paaralan.Ano ang pwede mong gawin? 5.Nagkaroon ng malakas na bagyo sa inyong bayan ilang araw pa lang ang nakalipas.Pinasok ng baha ang loob ng inyong paaralan kasama na ang silid-aklatan.Nang bumuti na ang lagay ng panahon,natuklasan ng librarian na maraming aklat ang inabot ng baha.Dahil mag-isa lang sa silid-aklatan ang librarian,naisipan ninyong magkakamag-aral na tumulong para muling magamit ang mga aklat.Paano ninyo ito maisagawa nang hindi maaabala ang inyong klase?