Sagot :
Bago dumating ang mga espanyol sa Pilipinas ay may tinatawag na Barter. Ito ay ang pakikipagpalitan ng produkto o kalakalan naisip niyo na ba kung ano ang pinaka unang pera sa bansa? Ang masasabing pinakaunang pera sa bansa ay ang mga produktong ginagamit sa barter, ang mga halimbawa ng mga ito ay bigas, ginto, gulay at marami pang iba. Kung mayroon naman palang mga paraan kung paano makakabili o makakakuha ng mga nais na produkto bakit pa ginawa ang salapi? Ang isa sa dahilan kung bakit nagkaroon ng salapi ay ang halaga ng produkto. Halimbawa na lamang kung makikipag palitan ka ng produkto sa panibagong produkto sabihin na nating ang bigas ay ipapalit sa isang branded na t-shirt, ilang kilo kaya ng bigas ang kailangan mong ibigay para sa isang t-shirt? Ito ang dahilan kung bakit naisipan gumawa ng salapi ng tao. Upang Bigyan ng halaga o value ang mga produkto. Maraming bagay ang kayang gawin ng salapi unang-una na rito ay ang salapi ay isang instrumento ng palitan, pangalawa ito ay pamantayan ng halaga nalalaman natin ang tunay na value ng isang bagay kung nilalagyan ito ng halaga at maraming bagay pa ang kanyang magawa ng salapi.
Nagkaroon na nga ng salapi ang bansanag Pilipinas ngunit naisip o minsan ay sumagi ba sa inyong isipan Kung bakit bawat pagdaan ng panahon ay nagbabago ang mga disenyo ng mga ito? Noon ay may ipinatupad na batas ang gobyerno na maaaring magpalit ng disenyo ng salapi ang may kakayahang gumawa nito, kada limang taon ang pagpapalit ng disenyo sa salaping papel at sampung taon naman sa salaping barya ang batas na ito ay ang section 56 R.A. 7653. Isa sa pinaka dahilan kung bakit nabuo ang batas na ito ay ang mapangalagaan ang integridad ng pera sapagkat marami ng ngayon ang kayang gumawa at gumaya ng salapi na walang pahintulot ng gobyerno. Ngunit hindi ito parating ginagawa ng pamahalaan at ang may kakayahang gumawa ng salapi sapagkat unang-una ay mahal ang pagpapadisenyo ng bagong pera at pangalawang maaaring malito ang mga taong gumagamit ng salapi kung kada limang taon ay pinapalitan ng itsura ng pera.
Marami na kayong nalaman tungkol sa ating mga salapi ngunit sino nga ba ang may kakayahang at pinapahintulutang gumawa ng mga ito? Ang unang gumawa ng salaping barya dito sa Pilipinas ay ang El Banco Espanyol–Filipino de Isabel II. Tinawag nila ang unang salaping barya na Spanish barilla at ang salaping papel naman ay Pesos Fuertes. Sa panahon naman ng mga Hapon dito sa pilipinas ay may panibagong pera nanaman ang inilabas, ito ay tinatawag na Mickey Mouse Money ngunit sa sobrang daming pera ang inilabas ay nawalan ito ng halaga. Taong 1949 naman itinatag ang Bangko Sentral kung saan nagpalabas ng salaping papel na may halaga mula piso hanggang 100 piso. Sa panahon ni Pangulong Marcos inalis ang pisong papel at pinalitan ito ng dalawang pisong papel at mapahanggang ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang tangi at may kakayahang mamahala sa disenyo, halaga at dami ng pera sa Pilipinas.