3. PILIIN ANG TAMANG SAGOT SA MGA SUMUSUNOD at bigyang katwiran ang sagot.

1.Saang bansa mababa ang katayuan ng mga kababaihan
a) Japan b) India c) China d) Thailand
2. Ang
ay may malakas na kilusan ng mga kababaihan
a) China b) Indonesia c) India d) Pakistan
3. Ano ang dahilan at isinilang ang kilusang kababaihan sa Bangladesh?
a) bunga ng imperyalismo b) bunga ng karahasaqn
c) bunga ngkilusang nasyonalista d) bunga ng pakikipaglaban
4. Ang dahilan ng mga kababaihan sa Kanlurang Asya ay
a) makasali sa pampulitikang gawain
b) bigyang pagkakataon ng maging kapantay ng mga lalaki
c)maging mataas sa lipunan na kinabibilangan d) maging lider ng kapay

MAS MAGANDA PO KUNG MAY KATUWIRAN ANG SAGOT VAWAT NO.


Sagot :

Answer:

1.) B India

2.) B India

3.) B bunga ng karahasan

4.) B bigyan ng pagkakataon ng maging kapantay ng mga lalaki

Explanation:

1. Epekto ng mga Samahang Kababaihan at ng mga Kalagayang Panlipunan sa Buhay ng Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya at Karapatang Pampolitika MGA KILUSANG PANGKABABAIHAN Nakita ng mga kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa upang maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses. Sapagkat minsan na nilang naranasan ang iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon sa lipunan at sa kanilang pamilya. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kilusang pangkababaihan sapagkat sila ang pangunahing tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan. Alamin natin ang ilan sa mga kilusang ito sa ilang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. TIMOG ASYA INDIA Mababa ang katayuan sa lipunan ng kababaihan sa India.Subalit pagsapit ng ika-19 na siglo, naging aktibo ang mga kababaihan sa bansa sa paglahok sa mga kilusang nagtataguyod ng repormang panlipunan. Ang ilan sa mga kilusang naitatag ay ang Bharat Aslam ni Keshab Chunder Sen ng Bramo Samaj(1870); ang Arya Mahila Samaj na itinatag ni Pandita Ramabai at Justice Ranade(1880); Bharat Mahila Parishad(1905) at Anjuman-e-Khawatin-e-Islam na itinatag ni Amir-un-Nisa. Ang mga kilusang ito ay nakatulong sa kababaihan upang maisulong ang karapatan sa edukasyon. Ang Women’s Indian Association(1917) at ang National Council of Indian Women(1925) ay nangampanya sa mga mambabatas upang makapagdulot ng mga pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihang Indian. Tinalakay ng All India Women’s Conference ang mga isyu sa paggawa, rekonstruksyon ng mga kanayunan, opyo, at batas ukol sa bata o maagang pagpapakasal. Noong 1851, ang mga unyon sa industriya ng tela ay nangampanya laban sa child labor. Binigyang pansin naman ng Indian Factory Act (1891) ang hindi makatuwirang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng kababaihan. Binigyang pansin naman ng All Indian Coordination Committee ang mga isyu tulad ng benepisyo sa pagbubuntis, pantay na sahod at mga pasilidad ng day care. Nanguna si Sarojini Naidu sa paghimok sa mga kababaihang gumagawa at bumibili ng asin na huwag bayaran ang buwis bilang protesta sa pamahalaang English. Pinamunuan din niya ang Women’s India Association na mangampanya upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bomoto noong 1919. Noong 1950, ang karapatang bomoto ay iginawad sa kababaihan.