Answer:
Ang paglalagom o pagbubuod ay ang pagsasalaysay o pagsusulat muli sa isang akda o narinig sa pinaikling paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito. Ang isinasama lamang sa isang buod ay ang mga pangunahing tauhan, ang mga mahahalagang pangyayari, at ang kinahinatnan nito. Ang pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong nabasa o napakinggan ay mainam na paraan upang maibahagi sa iba o maisalaysay muli ng malinaw at maayos ang anumang akda. Sa ganitong paraan makikita kung paanong ang mahabang kuwento o teksto ay napapaikli nang hindi nawawala ang kabuuang mensahe nito. Mahalagang makabuo muna ng balangkas sa pagbibigay ng lagom o buod ng isang kuwento at makatutulong ang paglalapat ng balangkas nito gamit ang dayagram.
Explanation:
Sana makatulong :)