Ang Kuwento ni Emmanuel


Sa isang maliit na pamayanan sa aplaya ng Metro Manila, maraming pamilya ang

piniling manirahan para sa bagong oportunidad. Isa na ang pamilya ni Emmanuel dito. Dito

na pinili ni Emmanuel na magtrabaho bilang helper sa construction. Mas mainam na raw

iyon kaysa bilang magsasaka ng gulay sa probinsya dahil lalo silang nalulubog sa utang

kaysa kumikita sa ani. Napakahirap lalo sa kapag may dumadaan na kalamidad, malaking

kapital na kailangan at mababang bili ng mga negosyante sa kanilang produkto, kadalasan

ay hindi nila dikta pa ang presyo. Kontrolado pa ng mga negosyanteng ito ang presyo at

suplay sa pamilihan. Nagkulang ang suplay dahil marami sa kanyang kapwa magsasaka

ang hindi na nakapagtanim at dahil sa nakaambang pagkulang ng suplay sa gulay,

inaasahan na magkakaroon ng import mula sa Tsina, mas mura ang presyo kaysa sa

kanilang tanim. Kaya sinamantala niya ah pagkakataong dalhin niya ang kanyang pamilya

sa Maynila upang makapagsimula.

Dahil dayo, umuupa sila ng tirahang may isang maliit na kwarto sa na halagang 1500

kada buwan. Kasama niya sa ang kanyang asawang si Julieta at kanyang dalawang anak,

si Erwin at Janna. Dahil helper siya sa site ay kumikita siya ng 300 pesos dahil hindi siya

kinokonsidera bilang “skilled worker”. Sa halagang ito ay pinagkakasya ni Julieta ang

tatlong pagkain sa isang araw para sa kanilang mag-iina, baon at pamasahe ni Emmanuel

sa araw-araw. Minsan nakakapangutang pa siya dahil sakitin ang kanyang bunsong anak

na si Janna. Nairaraos naman nila ang kanilang pang-araw-araw dahil suma-side line din

siyang labandera kapag may nagpapalaba sa lugar nila.

Ngayong pandemya ay pinatupad ang community quarantine upang maiwasan ang

pagkalat ng COVID, natigil ang mga operasyon sa site. Naging dagok sa pamilya ang

pagbabawas ng trabahador sa pinapasukan ni Emmanuel. Hindi regular na manggagawa

ay isa siya mga natanggal. Hindi rin siya makahanap ng panibagong trabaho, ang kanyang

asawa naman ay natigil sa paglalabada dahil wala na rin siyang customer. Nakatulong sa

kanilang pamilya ang pinapadalang ayuda ngunit hindi nagtagal ay naputol din ito dahil

daw ay hinahanapan pa ulit ng pondo at napatagal pa lalo ang quarantine. Sumabay pa

ang pagkakasakit ni Janna dahil na rin di maayos na nutrisyon. Ang kanilang ipon ay

nasasaid kasabay ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at gamot. Naganap ang

implasyon o pagtataas ng presyo ng bilihin dahil sa kalamidad at pandemya na lubhang

nakaapekto sa suplay at demand. Hirap din makahanap si Emmanuel ng agarang trabaho

dahil hindi niya maaring lumabag sa quarantine protocol.

Hanggang hindi pa magiging normal ang lahat, patuloy pa rin iniisip ng mag-asawa

kung paano nila iraraos ang kanilang buhay ngayon. Pikit na nanalangin si Emmanuel na

sana ay matapos na itong pandemya.



Ito po yung kwento pa help po ako nasa taas po yung mga tanong.​


Ang Kuwento Ni Emmanuel Sa Isang Maliit Na Pamayanan Sa Aplaya Ng Metro Manila Maraming Pamilya Ang Piniling Manirahan Para Sa Bagong Oportunidad Isa Na Ang Pam class=