3. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?

Sagot :

Gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche dahil sa taglay nitong kagandahan,imbis na siya ang sambahin at hangaan ng mga tao sapagkat siya nga si Venus na Diyosa ng kagandahan ay si Psyche ang labis na hinahangaan ng mga ito  lalo na ang mga kalalakihan.Nagalit siya kay Psyche dahil  nalimot na ng mga tao na mag alay at magpapuri sa kanyang templo,kung kayat ito ay naging marumi na at unti-unting nasira. Kaya naisip niya nautusan ang kanyang anak na paibigin si Psyche sa isang nakakatakot na kaanyuan.

Bakit nga ba lalong tumindi ang galit ni Venus kay Psyche?

Lalo siyang nagalit kay Psyche ng umuwi ang kanyang anak na si Cupid na mayroong sugat na kagagawan ni Psyche dahil natuluan ito ng mainit na langis mula sa lampara.Kaya ng makaharap niya si Psyche ay binigyan niya ito ng mga pagsubok na lubhang mapanganib,at maari ring ikalagay nito sa kapahamakan.

Ang mga pagsubok na ipinagawa ni Venus kay Psyche:

  1. Binigyan ni Venus ng mga ibat-ibang uri ng butong maliliit si Psyche at ayon dito ay kaylangan na pagsamasamahin niya ang mga magkakauri bago sumapit ang hapon.
  2. Kasunod ay pinakukuha siya ni Venus ng mga gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog,Ngunit ang mga nasabing mga tupa ay mababangis at lubhang mapanganib,kaya naisipan ni Psyche na magpatiwakal nalang upang matapos na ang nasabing pagpapahirap sa kanya.
  3. Ang kasunod na ipinagawa ni Venus kay Psyche ay pinakukuha siya ng itim na tubig na magmumula sa isang talon kaya binigyan siya nito ng isang prasko para paglagyan ng itim na tubig,Ngunit ang nasabing talon ay lubhang malayo ay napaliligiran ng mga bangin at mga bato,naisip niya na ang tangin makakapunta lamang dito ay may pakpak.
  4. Hindi parin nasiyahan si Venus kaya binigyan nananamn siya ng panibagong pagsubok,ibinigay sa kanya ang isang kahon na paglalagyan niya ng kagandahan na kukunin niya sa reyna sa ilalim ng lupa kay Proserpine sa kaharian ng Hades, agad na sumunod si Psyche kay Venus may mga tumulong kay Psyche para makarating kay Proserpine at napagtagumpayan niya ang pagsubok na ito.

Ang mga tumulong kay Psyche para malampasan ang mga pagsubok na ipinagawa ni Venus  

  • Ang mga langgam ang tumulong kay Psyche upang malampasan ang unang pagsubok na ibinigay ni Venus sa kanya ang pagbubukodbukod ng mga ibat-ibang uri ng buto.
  • Isang halaman na nagsalita ang tumulong sa pangalawang pagsubok na ibinigay ni Venus sa kanya. na  nagsabi na hindi kaylangan ni Psyche na lumapit sa mga tupa,bagkos ay sa halamanan siya magtungo na dinadaanan ng mga tupa at kuhain ang mga balahibo ng tupa na nagsabit sa mga sanga.
  • Isang agila naman ang tumulong sa kanya sa pangatlong pagsubok. Kinuha ng agila ang prasko sa kanya at pagbalik nito ay puno na ng itim na tubig ang prasko.
  • Isang tore naman ang tumulong kay Psyche para makapunta sa ilalim ng lupa upang humingi ng kagandahan kay Proserpine, ang tore ang nagbigay ng mga detalye kay psyche upang makarating siya sa kaharian sa ilalim ng lupa.

Ang taong tunay na nag mamahal katulad ni Psyche ay handang gawin ang mga pagsubok alang alang sa taong kanyang iniibig.

Buksan para sa karagdagang kaalaman sa Cupid at Psyche.

brainly.ph/question/123498

brainly.ph/question/125507

brainly.ph/question/604708