Ano Ang Papel Sa Lipunan Bilang Babae O Lalaki?



Sagot :

Answer:

PAPEL SA LIPUNAN BILANG BABAE AT/O LALAKI

Ang gender o kasarian ay hindi hadlang sa pagkakaroon ng papel sa lipunan at maging makatao. Subalit kung ikukumpara ang pisikal na katawan ng babae sa lalaki ay mas komplikado dahil ito ay may buwanang regla at maaaring magsilang ng (ng mga) nilalang na magiging parte rin ng lipunan.

Explanation:

Sa pagpapamilya, pagtra-trabaho, hustisya at edukasyon ay hindi dapat maging hadlang ang kasarian at ang sexual preferences ng mga nilalang.

Mahalaga din ang kaalaman tungkol sa Sexual Orientation, Gender Identity at Gender Expression upang maiwasan ang diskriminasyon at nang magkaroon ng pantay na karapatan sa pagganap ng mga papel sa lipunan.

ANG MGA MAAARING INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA O PAGBIBINATA:

  1. Mahalagang malagpasan ang anumang hamon na ibinibigay ng mga pagbabago sa katawan, sa lipunan, at sa lahat ng aspeto sa buhay.
  2. Mas nararapat na handa ang babae at lalaki at maging mas maiingat o maging mas malalawak ang pag-iisip sa maraming bagay sa paligid.
  3. Mahalagang maunawaan na ang bawat tao ay may mga inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o gampanan.
  4. Kailangan ang mga developmental tasks upang malinang ang kaniyang mga talento at kakayahan nang matamo ang kaayusan sa pamayanan.
  5. Mahalagang kilalanin ang mga inaasahang kakayahan dahil ang mga inaasahang kilos ang huhulma sa mga talento at talino na siyang magiging instrumento sa pagpapalawak pa ng kaisipan ng lahat ng tao sa lipunan.
  6. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon ang mga developmental tasks sa mga binatilyo at mga dalagita upang gawin niya ang mga inaasahan sa kaniya ng lipunan.