ano  ang maikling kwento?

Sagot :

isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari
masining na anyo ng panitikan.
realidad.
kaunti lamang ang tauhan,tagpuan,pangyayari....
mababasa sa isang upuaan..... ibig sabihin kaya mong basahin in 1 day or 5-10 minutes
Maikling Katha - Isang sangay ng salaysay na may iisang kakintalan.


Ito ay anyo ng panitikang nagsasalaysay nang tuluy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng isang kakintalan o impresyon sa isipan ng mambabasa. Ang kasukdulan o ang bahagi ng kwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon ang kaisipang maiiwan ng mambabasa. 

Ito ay isang maikling salaysay na tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay. Sa pamamagitan ng masining na pagsasama-sama ng mga pahayag at pangyayari, nailalarawan ang pagkakasunud-sunod ng mga ito, pati na ang kilos, pagtutunggali o galaw.