Sagot :
Kabilang sa mga tanyag na tradisyon ng mga Igorot ay ang ritwal ng kasal nito na umaabot ng pitong araw. Ang paglilibing naman sa mga patay ay nakabatay sa estado ng buhay nito. Nagkakaroon ng kanyao para sa mga mayayaman na patay na umaabot din ng halos isang linggo hanggang dalawang buwan. Ang kanyao ay isang sayaw na ginagawa sa masidhing pagtitipon hindi lang sa masasayang pangyayari kundi sa malulungkot din. Naniniwala din sila na ang mga kaluluwa ng patay ay pumupunta sa mundo ng kanilang mga ninuno. Malaki ang respeto nila sa mga anito na maaaring nasa gubat , ilog , lawa at kung saan-saan pa.