Ang Caspian Sea ay matatagpuan sa Silangang gilid ng Europa at Kanlurang bahagi ng Asya. Napapalibutan ito ng lupa ngunit ito'y tinatawag na dagat imbis na lawa dahil sa katangian nitong pagiging maalat.
Ang kahalagahan nito sa mga lokal na naninirahan malapit rito ay di matatawaran. Nagsisilbi itong daan ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng turismo. Masasaksihan dito ang kamangha manghang tanawin. Bukod pa rito, dito rin sila umaangkat ng mga langis at krudo upang mas mapaunlad ang kanilang pamumuhay.