bakit kailangan ipagdiriwang ang araw ng kalayaan?

Sagot :

Answer:

Bakit ipinagdidiwang ang Araw ng Kalayaan?

Dahil ang Araw ng Kalayaan ay nagpapaalala sa atin ng ating nakamit na kalayaan mula  sa dayuhang Espanyol noong Hunyo 12, 1898. Ang Araw ng Kalayaan ay isa sa mga pambansang araw dito sa Pilipinas. Maraming bayani ang namatay at ibinuwis ang kanilang sariling buhay upang tayo ay makaranas ng kalayaan laban sa mga dayuhan na nanakop sa ating bansang Pilipinas kaya napakahalaga na alalahanin ang kanilang kabayanihan sa pamamagitan nito.    

Ano nga ba ang kasaysayan ng Araw ng Kalayaan?

Tuwing Hunyo 12, palagi nating ipinagdidiwang ang Araw ng Kalayaan. Noong nakaraang taon, tayo ay nagdiwang ng ika-isang daan at dalawampu't isang anibersayo.

Ang proklamasyon ng ating kalayaan ay naganap sa Kawit Cavite. Ito ay inihayag sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo at tayo ay malaya na mula sa mga Espanyol. Pagkatapos itong ihayag ay iwinagayway rin ang ating Pambansang Watawat tanda ng ating pagiging malaya.

Kahalagahan ng kalayaan sa ating bansa

  • Dahil sa kalayaan, tayo ay nagkaroon ng sariling pagpapasya at mga batas.
  • Dahil sa kalayaan, naging responsable tayo at obligado sa ating mga ginawa at ginagawa.
  • Bilang kabataan, ang pagkakaroon ng kalayaan ay isang pribelehiyo na gawin ang nais ngunit kailangan pa rin ng tamang pagpapasya tungkol dito. Mainam pa rin na alamin kung ano ang responsableng gawa ng isang tao upang hindi mapabilang sa mga problema ng pamahalaan.

Kung nais mong makabasa ng iba pang detalye o impormasyon tungkol sa mga paksang ito, maaari mo ring i-click ang mga links na ito:

  • What is the background of Araw ng Kalayaan? (sa wikang Ingles): https://brainly.ph/question/13002
  • Slogan sa araw ng kalayaan: https://brainly.ph/question/131136

#LearnWithBrainly