Sagot :
Saan matatagpuan ang Huang Ho at ano ang kahulugan nito:
Ang Huang Ho o Hwang Ho ay matatagpuan sa probinsya ng Qinghai, China.
Lokasyon ng Huang Ho:
- pangunahing ilog ng hilagang Tsina, silangan-gitna, at silangang Asya
- malapit sa siyudad ng Donying, na matatagpuan sa probinsya ng Shandong
- Ito ay nagmumula sa Bundok ng Bayan Har sa lalawigan ng Qinghai at sa kanluran ng ilog ay ang kapatagan ng Hilagang Tsina.
- Dumadaloy ang tubig ng ilog sa siyam na lalawigan ng Tsina at nagtatapos sa Dagat Bohai.
Ang kahulugan ng Huang Ho o Hwang Ho ay:
- ang Wade-Giles romanisasyon ng Huang He. Ang Wade-Giles romanisasyon ay ang sistema ng pagpapasimple ng karakter ng Chinese language.
- isang ilog sa Qinghai, China
- tinatawag na dilaw na ilog dahil ang pangalang Huang ay hango sa salitang Mandarin na may ibig sabihin na dilaw
- madalas na tinatawag na cradle of Chinese civilization
- binigyan din ito nang tawag na "China's Sorrow" at "The Ungovernable" dahil ang tubig mula sa ilog ay kadalasang umaapaw at nagdadala ng baha sa ibayong Hilagang kapatagan ng Tsina
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kung saan matatagpuan ang Huang Ho at ano ang kahulugan nito, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/574721
Paglalarawan sa Huang Ho
- Ito ay nahahati sa tatlong magkakaibang bahagi:
- ang mabundok na mataas na kurso
- ang gitnang kurso sa ibayo ng talampas
- ang mas mababang kurso sa ibayo ng mababang kapatagan
- Ito ang pangalawa sa pinakamahabang ilog ng bansa.
- Ito ay may habang 5,464 kilometro na kung saan ang tubig ay nanggagaling sa talampas ng Tibet na matatagpuan sa lalawigan ng Qinghai at dumadaloy patungong silangan hanggang sa Yellow Sea.
- Ang kulay ng buhangin ay nagkukulay dilaw dahil sa mga mineral. Ang mga mineral na nanggagaling sa talampas ng Loess.
- Ang kanal nito ay pangatlo sa pinakamalaki sa Tsina na may laki na 750,000 sq. km.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa paglalarawan sa Huang Ho, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/130310
Kahalagahan ng Huang Ho
- Mahalaga ang Huang Ho sa mga mamamayang Tsina, mapapulitikal, ekonomiya, o turismo.
- Mapapulitikal dahil ito ay nagsilbing sentro ng mga sinaunang lider sapagkat madali itong puntahan at nasa gitna ng Tsina.
- Mahalaga sa ekonomiya dahil ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko at iba pang sasakyang pantubig mula gitna o sentro ng Tsina papuntang silangang bahagi para maihatid ang mga kalakal.
- Mahalaga ito dahil nakakatipid ang mga mangangalakal na Tsino sa paggamit ng mga bangka dahil di na nila kinakailangan ng gasolina.
- Ang tubig ng ilog ay ginagamit din sa irigasyon sa mga sakahan. Ito ay pinagkukuhanan din ng enerhiya para sa elektrisidad.
- Dahil sa ilog kaya sagana sa tubig at maunlad ang agrikultura sa gitnang rehiyon ng Tsina.
- Nakakatulong din ang ilog sa paghihikayat ng mga turista para makita ang mga naggagandahang tanawin sa paligid ng Huang Ho.
Magagandang tanawin sa paligid ng Huang Ho:
- Talampas ng Loess
- Talon ng Tsokolate
- mga kagubatan
- malalawak na pastulang lupa
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahalagahan ng Huang Ho, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/17310