Ang Cambodia ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya kung saan namumuhay ang mahigit kumulang sa 15 milyong mamayan nito. Sa buong kasaysayan ng Cambodia ang relihiyon ay isang pangunahing pinagkukunan ng inspirasyon sa kultura ng bansa. Tinatayang nasa 90% sa populasyon ng bansa ay Budista. Sa laranangan naman ng panitikan, ang sentro ng panitikang Cambodia ay ang mga mito at alamat na naipasa sa pamamagitan ng salindila at karamihan nito ay mga kuwento ukol sa mga naunang buhay ni Buddha at mga epiko mula sa bansang India. Ang pamumuhay sa Cambodia ay naaayon sa kulturang Khmer kung saan ang may higit na edad na mamamayan ay mas malaki ang antas ng paggalan na dapat na ibinibigay sa kanila. Ang kasuotan sa Cambodia ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng kanilang kultura. Ang damit at kasuotan ay nagkakaiba ayon sa grupo ng etniko at estado. Sa larangan naman na edukasyon, ito ay kontrolado ng estado sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon sa panlalawigang antas. Ang Saligang-Batas ng Cambodia ay nagtatatag na ang Estado ay dapat protektahan at paunlarin ang mga karapatan ng mamamayan sa kalidad ng edukasyon sa lahat ng antas, nagbibigay garantiya na ang lahat ng mamamayan ay may pantay na pagkakataon upang kumita ng pera.