Answer:
Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay nangangahulugan na nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao. Malaya ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral. Ang tunay na kalayaan ay masusumpungan sa pagsunod sa batas na ito. Sa bawat batas na nauunawaan at sinusunod ng tao, mas nadaragdagan ang kanyang kalayaan. Bakit nga ba pinayagan ng Diyos na maging malaya ang tao na tanggapin o suwayin ang Kanyang batas? Bakit hinahayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili? Ito ay sa dahilang umaasa ang Diyos o maging ang magulang ng pagsunod mula sa pag-unawa at pagmamahal hindi dahil sa pinilit at pagsunod na may takot.
Dahil dito, ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na pananagutan. Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan? Narito ang ilang palatandaan ayon kay Esteban (1990):
Ang tunay na KALAYAAN ay ang paggawa ng kabutihan