Tama o Mali

1. _______________ Isa kang regalo para sa iyong pamilya

2. _____________ Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na magpasyang magpakasal

3. _____________ Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang paggawa sa mga ito

4. _____________ Kaakibat ng kagustuhan ng Diyos igalang ang mga magulang ng mga anak

5. _____________ Ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanila ng makakain, maiinom, maisusuot.

6. _____________ Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan mahalagang handa ang mga anak na harapin ang anumang hamon na inihahain nito.

7. _____________ Pangunahing dapat ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa mga matryal na bagay.

8. ____________ Sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at nawawask ng pagiging makasarili ng iilan, mahalagang hubugin ang mga anak sa tunay na diwa ng katarungan

9. ____________ Isa sa mga pangunahing makatulong upang ang isang tao ay maging matagumpay, masaya at magkaroon ng kakayahan na makapag ambag para sa kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasya at pagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasya para sa kanyang sarili at sa iba

10. ___________ Sa paglipas ng panahon mahaharap na ang isang kabataan sa mas mabigat na suliranin may mga pagkakataong makagagawa ng hindi makasariling pagpapasya.

11. __________ Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili

12. ___________ Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting pagpapasya ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa kanyang mga anak

13. ____________ Ang unang salit natin ay sa paligid natin natutuhan

14. ____________ Ang paraan upang mapabuti ang kunokasyon ay 6

15. ____________ Ang komunikasyon ay anumang senyales o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang ditto ang wika, kilos,tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay at gawa.