Panuto:Basahin nang malakas ang talata.Ibigay ang angkop na pamagat ng talatang napakinggan.Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Ang niyog(Cocos nucifera)ay may karaniwang taas na anim(6)metro o higit pa.Natatangi ang lahat ng puno ang niyog sapangkat bawat bahagi nito ay maari ring sangkap sa paggawa nang sabon,shampoo at iba pa.
PAMAGAT:_________

2.Mahirap ang magulang ni Andres Bonifacio,hindi siya nakapag-aral at maaga siyang naulila.Siya ang nagpalaki at nag-aruga sa kanyang mga kapatid.Ngunit sa sariling pagsisikap natututo siyang bumasa at sumulat.Tinuruan muna siyang bumasa ng kanyang ate.Napaunlad niya ang kaalamng ito.Nakabasa at nakasulat siya gaya ng nagtapos sa paaralan.
PAMAGAT:_________

3.Ang Dugong-dugon o mas kilala sa karaniwang tawag nang dugong,ay hayop na naninirahan sa karagatan nang Indian at sa kanlurang bahagi ng karagatan Pasipiko.Sa Pilipinas,makikita ang mga dugong sa baybayin ng Isabela,Quezon,Mindoro,Palawan,Panay,at Mindanao.Umaabot sa sampung talampakan ang haba at umaabot sa mahigit 300 kilo ang bigat nito.Nabubuhay sila sa pagkain ng damong-dagat sa mababaw na bahagi ng karagatan.
PAMAGAT:_________

4.Si Lapu-Lapu ang unang bayaning Pilipino.Nang matuklasan ni Magellan ang pilipinas,gusto niyang kilalanin ang mga katutubo ng hari nang Espanya.Tinutulan ito ni Lapu-Lapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at Katutubo kung saan tinalo ni Lapu-Lapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa labanan.
PAMAGAT:________

5.Si Joy ay isang kusinera.Kilalang-kilala siya sa bayan ng Dansalan dahil napakasarap niyang mag luto.Bihira ang handaan lalo na kung pista na hindi siya ang magluto.Marami siyang ulam na lutuin tulad ng mga pagkaing Pilipino,Intsik,Espanyol at Italyano.
PAMAGAT:__________

6.Ang pagiging matipid ay ang matalinong paggasta at pag-ipon para sa kinabukasan.Ang wasto at maingat na paggamit ng mga bagay o kagamaitan ay mabisang paraan ng pagtitipid.
PAMAGAT:________

7.Ipinagmalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro.May 130 kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog ng Maynila.Dinarayo ng mga turista ang mapuputing buhanginsa mga beaches nito.Gayundin,napakaganda ng mga corals at iba pang laman-dagat na makikita sa kailaliman ng mga katubigan.
PAMAGAT:___________

8.Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at mekaniko.Siya ang nakaimbinto ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-gas na gamit para sa de-gasolinang sasakyan.Hindi siya nasilaw sa multi-milyong pisong alok ng bansang America para lamang ibenta ang kanyang imbensyon.Ito ang nagpapa-tunay ng kanyang hangaring makatulong sa bayan.
PAMAGAT:________

9.Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan.Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata.Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin.Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka),itlog,gatas,keso,mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
PAMAGAT:__________

10.Pangarap ng bawat magulang na mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.Ang edukasyon ang susi sa tagumpay.Makakamit ang magandang kinbukasan kung ang mag-aaral ay magiging masipag at responsable.
PAMAGAT:_______