Answer:
Ano Ang Kahulugan Ng Implasyon? (Sagot)
IMPLASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang implasyon at ang mga halimbawa nito.
Pagdating sa pag-aaral ng ekonomiya, isa sa pinaka-mahalagang paksa na dapat bigyang pansin ay ang implasyon. Ito ay ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin, produkto, o serbisyo sa isang ekonomiya.Sa kagustuhan man natin o hindi, ang implasyon ay isa sa mga bagay na hindi nawawala. Kada taon, nagkakaroon ng implasyon at lumalala ito ng lumalala.
Dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin, ang pera natin dati na sapat para sa isang puno na grocery kart ay kulang na ngayon para sa mga pangunahing pangangailangan natin.Nasusukat ang implasyon gamit ang inflation rate, o bilis ng pagtaas ng presiyo ng isang basket ng mga produkto at serbisyo.
Isa sa pinakamalaking dahilan ng implasyon ay ang patuloy na paggawa ng bagong pera. Halimbawa, dahil sa pandemyang ito, kinailangang magpalabas ng pera ang gobyerno para maipamigay sa mga nangangailangan.