Answer:
Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry