Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang Tama kung wasto ang
pangangalaga ng pandama na binabanggit sa ibaba at Mali naman
kung hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Gumagamit ng pantaklob sa tainga kapag may naririnig
na malakas na tunog.
2. Gumagamit ng payong na pananggalang sa init at ulan.
3. Nagtataklob ng ilong kapag nakakaamoy ng mabaho.
4. Gumagamit ng shades bilang pananggalang sa init ng
araw o sinag ng araw.
5. Gumagamit ng sipilyo panglinis ng ngipin.