ano ang layunin, paraan at sirkumtansiya sa bawat sitwasyon​

Sagot :

Answer:

Ano ang layunin, paraan at sirkumstansya sa bawat sitwasyon?

Sa bawat sitwasyon na ating hinaharap ay may nakapaloob na layunin, paraan at sirkumstansya. Kaya naman bawat pagpapasya o bawat kilos na ating gagawin ay dapat pinag iisipan nating mabuti. Bago tayo magpasya ay dapat alam natin sa sarili natin ang maaari nitong kahinatnan, makabubuti ba ito sa iyo at sa iba o makakasama.

Ating alamin ang kahulugan ng layunin, paraan at sirkumstansya.

Layunin

Ang layunin ay tumutukoy sa hangarin, motibo o dahilan ng isang tao kung bakit niya gagawin ang isang kilos. Ito ay maaaring nakabubuti o nakasasama. Walang nakakaalam nito kung hindi ang tanging tao lamang na magsasagawa ng kilos o pasya.

Paraan

Ang paraan naman ay tumutukoy sa kung paano gagawin ang kilos o kung paano isasakatuparan ng isang tao ang kanyang layunin.

Sirkumstansya

Ang sirkumstansya ay tumutukoy sa kondisyon o kalagayan ng kilos. Ito ang nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng kilos