Answer:
Johan van Oldenbarnevelt
Explanation:
Ang Kumpanyang Olandes ng Silangang India (Olandes: Vereenigde Oost-Indische Compagnie o VOC, "Nagkakaisang Kumpanyang Silangang India") ay isang kompanyang naka-charter na itinatag noong 1602 nang bigyan ito ng Heneral ng Estado ng Netherlands ng 21 taong monopolyo upang isagawa ang mga gawaing pangkolonya sa Asya. Ito ay kadalasang itinuturing na unang korporasyong multinasyonal sa buong mundo at ang unang kompanyang nag-isyu ng stock. Ito ay maikakatwirang isang megakorporasyon na nag-aangkin ng mga kapangyarihang quasi-pampahalaan kabilang ang pakikidigma, pagbilanggo at pagpatay sa mga nahatulan, makipag-ayos ng mga kasunduan, gumawan ng salapi at magtatag ng mga kolonya. Nadaig ng VOC ang lahat ng mga katunggali nito sa kalakalang Asya. Sa pagitan ng 1602 at 1796, ang VOC ay nagpadala ng halos isang milyong mga Europeo sa kalakalang Asya lulan ng 4,785 barko at nakakuha ng higit sa 2.4 milyong toneladang mga kalakal na Asyano. Salungat dito, ang natitira ng Europa ay sama-samang nagpadala lamang ng 882,412 katao mula 1500 hanggang 1795. Ang VOC ay nagkamit ng malalaking mga tubo mula sa monopolyo nito ng pampalasa sa halos karamihan ng ika-17 siglo.