Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo
ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling kuwentong:
A. kababalaghan B. katutubong kulay C. pangtauhan D. makabanghay


Sagot :

Uri ng Maikling Kwento:

Sagot:

D. Kwentong Makabanghay

Paliwanag:

Ang kwentong makabanghay ay uri ng maikling kwento na nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari. Ito ay kadalasang gumagamit ng mga pangatnig at transitional devices upang pagugnay – ugnayin ang mga pangungusap at sugnay upang mapagsunod – sunod ng tama ang mga pangyayari sa kwento ayon sa tamang gamit nito, paglilista ng mga ideya, pangyayari, at iba pa sa paglalahad.

Halimbawa:

  1. Ang Ama Isinalin sa Filipino ni: Mauro R. Avena
  2. Anim na Sabado ng Beyblade ni: Ferdinand Pisigan Jarin

Kahulugan ng kwentong makabanghay: https://brainly.ph/question/122581

Halimbawa ng kwentong makabanghay: https://brainly.ph/question/23509

Iba Pang Uri ng Maikling Kwento:

  • kababalaghan
  • katutubong – kulay
  • pangtauhan
  • pakikipagsapalaran
  • katatawanan
  • pag – ibig
  • kapaligiran

Ang maikling kwento ng kababalaghan ay tumutukoy sa kwento ng mga hindi kapani – paniwala at katatakutan.

Halimbawa:

  1. Kwento ng Tikbalang
  2. Kwento ng mga Diwata

Ang maikling kwento ng katutubong – kulay ay tumutukoy sa kwento na nagbibigay – diin sa kapaligiran, pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanap – buhay ng mga tao sa nasabing pook.

Halimbawa:

  1. Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
  2. Pag – aararo sa Bukid ni: Jane Hazel N. Gad

Ang maikling kwentong pantauhan ay tumutukoy sa kwento na nakatuon sa pangunahing tauhan. Inilalarawan ng kwentong ito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

Halimbawa:

  1. Ang Kwento ni Mabuti
  2. Ang Kwento ni Malakas at Maganda

Ang maikling kwento ng pakikipagsapalaran ay tumutukoy sa kwento na nakatuon sa balangkas ng pangyayari.

Halimbawa:

  1. Pangarap at Tagumpay ni: Emmar C. Flojo
  2. Ang Pakikipagsapalaran ni Hipon

Ang maikling kwento ng katatawanan ay tumutukoy sa kwento na nakatuon sa pagpapatawa at pagbibigay – aliw sa mga mababasa.

Halimbawa:

  1. Ang Pilyong si Loren
  2. May Aso Po Inay! ni: Juan P. Amodia

Ang maikling kwento ng pag – ibig ay tumutukoy sa kwento ng pag – iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang kapareha.

Halimbawa:

  1. Ang Nawawalng Prinsesa
  2. Si Ederlyn

Ang maikling kwento ng kapaligiran ay tumutukoy sa mga pangyayaring mahalaga sa lipunan at kalikasan.

Halimbawa:

  1. Ang Aral ng Damo
  2. Araw, Buwan, at Kuliglig

Mga Uri ng Maikling Kwento: https://brainly.ph/question/127242