Sagot :
Ang Kaugnayan ng Panitikan sa Kasaysayan
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng kultura ang panitikan sapagkat ito ang boses at pagkakilanlan ng isang lugar; dito nakatala ang iba't ibang pamamaraan ng pamumuhay ng isang tao. Ang kasaysayan ay ang pagkakilanlan ng isang pook o isang bansa na marapat malaman ng bawat taong naninirahan dito upang mapataas ang uri ng pagpapahalaga.
Kaugnayan ng Panitikan sa Kasaysayan
- Nagsisilbing gabay ang panitikan upang tiyak na matukoy ang anyo at pamamaraan ng pamumuhay ng tao; ipinapakita nito ang mga limbag na literatura bilang patunay ng mga pangyayari na tumutukoy sa kasaysayan ng isang pook o lugar.
- Nakikilala ang kultura at halaga ng isang bansa; sa pamamagitan ng panitikan tiyak na makikilala ang kultura at mga mahahalagang pangyayari na siyang bubuo sa kasaysayan.
- Naipakikita ng panitikan ang mga nakalipas na panahon na makaaambag sa makulay na paglalahad ng kasaysayan. Isa sa mga halimbawa ng panitikan ay ang mga sulat ni Jose Rizal na kung saan ay naging bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas.
- Sa tulong ng panitikan naipakikita ang magagandang gawi ng mga Pilipino o tao sa isang lugar. Ang anyo ng pamumuhay, kalakalan, at produkto ay natutukoy sa pamamagitan ng mga nailimbag; ang mga ito ay bahagi ng kasaysayan.
- Ang ugnayan ng panitikan at kasaysayan ang bumubuo sa totoong kwento ng isang bansa. Ang mga limbag at produkto ng panitikan ay maingat na sinusuri; inihihiwalay ang kathang isip at makatotohanang pangyayari. At ito ay lubhang makatutulong sa pagpapayaman ng kasaysayan.
Para sa karagdagang impormasyon ikaw ay inaanyayahang magtungo sa link na nasa ibaba
https://brainly.ph/question/815184
https://brainly.ph/question/2134867
https://brainly.ph/question/165732
#BetterWithBrainly