Panuto: Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa linya ang sagot. 1. Ang sakit na Coronavirus ay kasimbilis ng kidlat ang pagkalat sa mundo. 2. Gaya ng mga bayani, maraming Pilipino ang handang magbuwis ng buhay para sa kapuwa. 3. Ang Covid-19 ay halimaw kung sumira dahil milyon-milyong dahon ng puno ang nalagas simula nang dumating sa mundo. 4. Ang ating magigiting na mga frontliner, ang paa'y nasa hukay magampanan lamang ang kanilang sinumpaang tungkulin. 5. Bayan ay lumuluha dahil sa maraming nagdurusang mamamayan. 6. Bumaha ng sako-sakong bigas at manok sa Gapan, Nueva Ecija upang ipamigay sa mga tagaroon ng butihing alkalde. 7. Ang mga nanunungkulan habang kinahaharap ang pandemya ay tulad ni Reyna Amihan, hindi alintana ang pagod mapaglingkuran lang ang kanilang nasasakupan. 8. Ang bituin sa langit ay kumikindat sa atin at sinasabing kakayanin ng tao ang pagsubok na nagaganap sa kasalukuyan. 9. Matigas na bato ang kalooban ng mga Pilipino sa pagharap sa mga pagsubok o suliranin dahil sa Diyos sila kumakapit. 10. Huminto ang pagtibok ng aking puso nang makita ang libo-libong naghihirap nating kababayan lalo na ang mga bata.