paano ang pagsulat ng takumpati tungkol sa kontrobersyal na isyu?


Sagot :

Answer:

PAMAGAT: Epekto ng Pandemya

SIMULA:

Hindi mailalarawan.

Bilang isang kabataan, sinusubukan kong pagtipon-tipunin sa dalawang salita ang malawakang epekto ng pandemyang ito na pumasok sa ating mga batang buhay at nagdulot ng kaguluhan at takot sa ating mundo. Sa tulad kong mga kabataan, napakahirap tanggapin na nakararanas na tayo ng isang pandaigdigang krisis hindi lamang banta sa ating kalusugan, kundi pati na rin sa ating lipunan– ang COVID 19 o ang Novel Corona Virus.

KATAWAN:

Sa panahong ito ng Covid-19, ang pinakamalaking pagsubok para sa atin ay kung paano matiyak na ligtas tayo at ang mga mahal natin sa buhay laban sa anumang nakamamatay na sakit. Alam naman nating lahat na marami nang naaapektuhan at namamatay dahil sa Covid-19 na ito. Maski ako ay saksi dahil nawala rin ang isang miyembro ng aming pamilya dahil sa pandemyang ito. Napakahirap at nakakatakot dahil hindi natin nakikita ang virus na ito, ni hindi natin alam kung kailan at paano tayo nito maapektuhan. Gayunpaman, kinakailangan pa rin nating ihanda ang ating mga sarili laban dito. Panatilihin nating malusog at malinis ang ating pangangatawan. Kumain tayo ng masusustansyang mga pagkain, mag-ehersisyo, at higit sa lahat ay uminom ng bitamina. Kailangan rin nating maging maingat lalo na kung lalabas tayo ng bahay, magsuot tayo ng facemask o faceshield, gumamit ng alcohol, at panatilihin ang physical distancing. Sa kasalukuyan din, kailangan nating tanggapin at sabayan ang malaking pagbabago sa ating mundo, ni hindi man tayo sigurado kung ito ay pansamantala o mananatili nang ganito ang lahat. Hindi man tayo komportable ay kailangan nating umangkop sa bagong normal na paraan ng paggawa ng mga bagay sa buhay natin– ang bagong normal sa edukasyon, pagtatrabaho, sa transportasyon, at sa bawat bagay na ginagawa natin sa sandaling paglabas natin sa ating tahanan. Ang mga ipinatupad din na quarantine at lockdown ay kailangan nating sundin; pati na rin ang mga 'liquor ban', pagkakaroon ng 'curfew hours', at pagbabawal ng sugal dahil ito ay upang masiguradong ligtas, tahimik, at malayo tayo sa anumang klase ng aksidente lalo pa ngayong panahon ng pandemya at upang maiwasan na rin ang pagtitipon-tipon.

KONKLUSYON:

Hindi man mailalarawan ang epekto ng pandemya sa ating mga sarili, sa ating lipunan, at maging sa buong mundo ay kailangan pa rin nating tukuyin ito bilang senyales upang protektahan, mahalin, at alagaan ang ating mga mahal sa buhay at ating sarili. Para sa akin din, hindi ito ang panahon upang mag-aaway away dahil ito ang tamang oras upang mas lumapit tayo sa Dakilang Maykapal.

Maraming salamat!

Isinulat ko ito para sa Lola ko, ibinabahagi ko lamang. Sana ay makatulong. :)

Explanation: