Answer:
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti. Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao ang pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piliing gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin. Kung hindi,
magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa pagkamit ng kaganapan ng tao.