paano nakaaapekto ang globalisasyon sa politika,ekonomiya,pinansiya,kultura, at lipunan ng mga bansa sa daigdig gaya ng Pilipinas?ipaliwanag.​

Sagot :

Answer:

May iba’t ibang anyo at mukha ang globalisasyon: Manipestasyon sa larangan ng pulitika, ekonomiya at kultura ng isang bansa. Ang globalisasyon ay may tatlong patakaran:

• Liberalisasyon

• Deregulasyon

Pagsasapribado

LIBERALISASYON - Ito ang proseso ng malayang pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa dayuhang kapital o pamumuhunan.

DEREGULASYON - Ito ang pagbibigay ng pamahalaan ng isang bansa sa pribadong negosyo ng mas malayang pagpapasya at pagpapatakbo ng kanilang operasyon. Ayon sa mga nagtataguyod ng deregulasyon na nakasasama sa kabuuang operasyon ng pribadong negosyo ang masyadong mahigpit na regulasyon ng pamahalaan. Maaari itong maging limitasyon o balakid sa pagiging produktibo, malikhain at mapamaraan ng pribadong negosyo. Alinsunod ang deregulasyon sa pilosopiyang Laissez faire na naniniwalang mas mabuting hayaang tumakbo ang pamilihan nang walang pakikialam o panghihimasok mula sa pamahalaan sapagkat may kakayahan naman itong maibalanse ang sarili at maituwid ang mga pagkakamali. Ito ang tinutukoy ni Adam Smith na invisible hand.

PAGSASAPRIBADO - Paglilipat ng kontrol ng mga GOCC sa kamay ng mga negosyante.

Epekto ng Globalisasyon

Mayroong mabuti at masamang epekto ang integrasyon ng mga bansa sa mundo. Sa ibaba, ating malalaman kung ano nga ba ang maidulot ng Globalisasyon sa iba’t ibang parte ng buhay ng tao.

Mabuting Epekto ng Globalisasyon

Mabuting Epekto ng Globalisasyon Sa Pamahalaan:

  • Nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga bansa.
  • Pagkakaroon ng demokrasya sa mga komunistang bansa

Sa Ekomomiya:

  • Nagkakaroon ng malayang kalakalan.
  • Mas napapabilis ang kalakan o ang pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo.
  • Paglaki ng bilang ng export at import sa isang bansa.
  • Pakikipagsundo ng mga bansa tunkol sa isyu sa kalikasan.
  • Paglaki ng oportunidad para makapagtrabaho.
  • Malayang nakapaghahanap ng trabaho ang mga tao.
  • Maiiwasan ang Monopoly.
  • Pagtaas ng pamumuhunan (investment)

Sa kultura:

  • Mas naiintindihan natin ang mundo
  • Pagtanggap ng kultura ng iba

Masamang dulot ng Globalisasyon

Masamang dulot ng Globalisasyon Sa Pamahalaan:

  • Panghihimasok ng ibang bansa sa mga isyu at desisyon ng pamahalan.
  • Paglaganap ng terorismo

Sa ekonomiya:

  • Pagkakaroon ng environmental issues tulad ng Climate Change, Global Warming at iba pa.
  • Kahirapan dulot ng paglaki ng agwat ng mayayaman sa mahihirap
  • Paglala ng problema sa ekonomiya ng mga bansang nakakaranas nito.

Sa kultura:

  • Pagtangkilik sa kultura ng ibang bansa.
  • Paglimot sa mga nakasayang tradisyon.
  • Pagkawala ng ugaling nasyonalismo.

Explanation; kayo ng bahala kung kokopyahin niyo o hinde +_+