1. Paano mo ipinakikita ang iyong paggalang sa mga kababaihan? Magbigay
ng mga halimbawa.

2. Dapat bang bigyan ng pagkakataon ang mga babaing mag-aaral na
mamuno sa mga samahan ng mga mag-aaral sa paaralan? Ipaliwanag.

3. Sa papaanong paraan maiiwasan ang diskriminasyon sa pagitan ng lalaki at babae?

(kailangan ko na po please sana po tama ang pagsagot nyo po maraming salamat)​


Sagot :

Answer:

1. Maipapakita mo ang paggalang sa kababaihan sa pamamagitan ng hindi pambabastos dito sa pribado o pampublikong lugar man. Ang paniniwala din na kaya niyang gawin ang isang bagay, na walang halong diskriminasyon ay nagpapakita ng paggalang.

2. Oo, dahil sa henerasyong ito, hindi lang lalake ang may kakayahang mamuno. Maaaring sa paningin ng iba ay mahihina at walang kakayahang mamuno ang kababaihan, ngunit maraming kababaihan ang may sapat na kaalaman at kakayahang mamuno at gumabay ng mga tao.

3. Maiiwasan ang diskriminasyon sa pagitan ng babae at lalake kung marunong tayong rumespito sa pagkakaiba at kakayahan ng mga tao, sa kahit anong kasarian. Ang patas na trato sa mga tao sa kahit na anong kasarian ay makakabawas ng diskriminasyon, dahil matututo ang mga tao na lahat ay may potensyal na gawin ang kahit na anong bagay o trabaho, mapababae man o lalaki.

-----

Sana makatulong. Aral mabuti!