GAWAIN 2: PAGLA
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa loob ng 3-5 pangungusap
1. Sa panahon ng pandemyang Covid-19 na kinakaharap ng Pilipinas at ng buong mundo sa kasalukuyan, ang pamahalaan ay
nagpapatupad ng mga programa upang maibsan ang pagkalat ng nasabing virus. Bilang mag-aaral, sa paanong paraan ka
makakatulong sa operasyon ng pamahalaan sa pagpapatupad ng kanyang mga programang pampubliko?
2. Ang pambansang ekonomiya ay maaring bukas o sarado sa pakikipagkalakalan. Paano nakakatulong ang panlabas na sektor
sa pambansang ekonomiya?​


Sagot :

Answer:

1. Madaming mga programa ang pinatupad ng gobyerno upang mabawasan ang pagkalat ng pandemya sa ating bansa. Bilang isang kabataan, ang simpleng bagay na maari ko na lamang na magawa upang makatulong sa operasyon ng pamahalaan, ay ang simpleng pagsunod sa mga batas na pinapatupad nila. Ang pagsunod sa mga batas katulad ng pag susuot ng face mask at face shield, social distancing at hindi pagdalo sa mga tipon tipon ay isang malaking bagay na upang matulungan ang pamahalaan sa kanilang mga aksiyon o polisiya na ipinapatupad.

2. Sa panahon natin ngayon ay kinakailangan natin ang tulong ng ibat ibang bansa para sa ating mga mamamayan lalo na sa pag angat muli ng ating ekonomiya. Para sa akin, makakatulong ang mga panlabas na sektor sa ating pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbabahagi nila ng vaccine na kanilang nagawa para sa ating mga kababayan. Makakatulong din ito sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kalakalalan at pag papalitan ng mga produkto o serbisyo sa gitna ng pandemya. Dito, ay mas naiaangat ang ating ekonomiya at mabawasan ang mga malalaking utang ng ating bansa.