Panuto: Gumawa ng isang plano para sa mga susunod na araw na
nakabatay sa mga yugto ng makataong kilos. Isulat ang mga pasyang
gagawin. Ipakita ito sa mga magulang.

Halimbawa: Gusto kung makapagtapos ng aking pag-aaral.
Sisikapin kong mag-aaral ng mabuti. Anumang mga balakid,
sisiguraduhin kong malalampasan ko ito. Alam ko na hindi
madali ang aking tatahakin, pero kailangan lamang na
magpursige ako at kailangan ko rin na maging masusi sa
pagsusuri sa mga paraan na aking pipiliin. At sisiguraduhin ko
na tama ang aking mapipili sa bawat sitwasyon na aking
madadaanan. Ito ay sa tulong at gabay ng aking mga magulang.​


Sagot :

magtatapos ako ng pag aaral para sa ako naman ang tutulong sa aking mga magulang at mga kapatid.kahit ano mang kahirapan na tinahak namin ngayon, titiisin ko para makapagtapos, kung ano man ang nais ko na maging, susundin ko at sisiguraduhin ko na maging masaya din ang aking mga magulang.alam ko mahirap abutin ang mga pangarap lalo nat palaging kapos sa pera, pero sabay namin tong aabutin kasama ang buong pananalig at tiwala sa maykapal.