Sagot :
Answer:
Ang Ating mga Magulang: Igalang, Mahalin at Pahalagahan
Ang ating mga magulang ay ang pinakamahalagang tao sa buhay natin. Simula pagmulat ng ating mga mata hanggang sa panahong mayroon na tayong tama at sapat na isipan ay kasama natin sila. Sila yung nagpapakahirap makaraos lamang ang pamilya sa pang-araw-araw na mga pangangailangan. Ang ating mga magulang, gagawin lahat maibigay lamang yung mga bagay na makapag-papasaya sa atin. Ang mga magulang ang siyang sumusuporta sa atin ano man ang maging desisyon nating sa mga bagay-bagay at iba’t ibang aspeto ng buhay. Sila rin ang gumagabay sa atin, parating nariyan matiyak lamang ang ating kaayusan. Ang ating mga magulang ang gumagawa ng paraan makapagtapos lamang tayo ng pag-aaral. Kahit anong hirap, titiisin nila para lamang sa atin. Sila rin yung unang taong parati nating karamay sa mga oras na mayroon tayong problema na hindi nating magawang solusyonan ng tayo lang. Ang ating mga magulang ang siyang lahat-lahat sa atin. Kung kaya’t mapalad yung mga nabiyayaan ng kumpleto at masayang pamilya. Isang buong pamilya na magkakasama sa hirap at ginhawa, lungkot at kasiyahan.
Ako, lumaki ng walang kinikilalang ina. Dalawang araw pa lamang ako dito sa mundo noong ako’y kanyang iniwanan. Wala e, kinuha agad siya ng Panginoon. Ang nakakalungkot, hindi man lamang ako nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang babaing nagluwal at nagbigay buhay sa akin. Hindi ko man lamang nakita ang maganda at maamong mukha ng pinakamamahal kong ina. Hindi man lamang ako nabigyan ng pagkakataon na maiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi rin ako nakapag-pasalamat para sa siyam na buwan niyang paghihirap, pagtitiis at pag-aalaga sa akin sa loob ng kanyang sinapupunan. Nakakalungkot!! Sobra. Napakaraming oportunidad sa buhay kasama siya ang agad ng nawala sa akin. Kahit ano pa ang gawin ko, hindi ko na maibabalik ang mga pangyayaring nakalipas na. Hindi ko rin maibabalik ang buhay ng yumao kong ina. Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay harapin ang bukas ng buong tapang at maluwag na tanggapin sa aking puso at isipan ang katotohanang kahit kailang ay hindi na mabubuo pa ang aming pamilya. Kahit na pagbali-baligtarin ko pa ang mundo, ang nakaraan ay tapos na at kailangan ng kalimutan. Ang dapat ko na lang pagtuunan ng pansin ay kung anong meron ako ngayon. Ang aking ama! Siya na lang ang nag-iisa at dapat kong ingatan. Oo, masasabi ko na hindi ako perpektong anak para sa kanya. Nakagagawa ako ng mga kamalian ng buong puso ko namang inaamin. Minsan pa ay nasasagot ko siya. Nakakalimutang igalang. Ano pa man ang mangyari at kahit sino pa man sa amin ang tama sa mga bagay na aming pinagtatalunan, siya pa rin ang aking ama. Kailangang irespeto at hindi na dapat akong sumagot pa. Unawaan na lang kumbaga para magkasundo at wala ng pagtatalo pa. Sa napakaraming beses nang ako’y nagkamali sa mga desisyon na aking ginawa, siya lang ang nakapag-tama! Siya lang ang nakatulong.
Ang aking ama na mag-isang nagtaguyod sa akin ay lubos kong hinahangaan. Lahat ng hirap na pinagdaanan niya masigurado lamang ang aking magandang kinabukasan ay lubos kong pinasasalamatan. Sa ngayon, ako ay nag-aaral at nagsusumikap hindi lamang para sa aking sarili kundi para rin sa aking ama na umaasa at nagtitiwala sa aking kakayahan. Siyempre, para rin sa aking ina na siyang nagsilbing inspirasyon ko sa buhay. Ano man ang aking marating sa hinaharap ay alay ko sa aking ama at ina. Sa aking mga magulang.
ADVERTISEMENT
REPORT THIS AD
Lahat kayo, lahat tayo! Pahalagahan natin ang ating mga magulang. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nariyan sila. Lalong hindi buong buhay ay kasama natin silang malakas at masigla. Mahalin, alagaan, ingatan at iparamdam natin sa ating mga magulang na mahalaga sila. Huwag nating sayangin ang bawat oras at pagkakataon. Sulitin natin ang bawat minutong kasama natin sila. Dahilika’ngani Kuya Kim, ang buhay nating mga tao ay “Weather, Weather lang!”
Explanation:MGA KAPUSO STAY HEALTHY AND WEAR FACE MASK AND FACE SHIELD MGA KAPUSO SANA MAKATULONG SAINYUNG LAHAT AT MAHALIN NYU ANG PAMILYA NYU'ILOVE YOU AND GYS PARA MALAMAN NYU PO AKO ITONG PAGE KUNG MERON KANGTIKTOK ITO PO @RIANNAJIMROSAL1 IN TIKTOK PAGE ILOVE YOU AND PAKI FOLLOW NYU PO AKO PLEASE>>>>