Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: (Module sa Health, pahina 16)
Sa iyong kuwaderno, isulat ang NM kung ang sakit ay namamana, UP kung dahil sa uri ng pamumuhay, at KP kung dahil sa kapaligiran.
__________1. Si Mang Pedro ay nagkasakit sa baga dahil sa paninigarilyo.
__________2. Ang pamilya ni Rene ay may lahi ng sakit sa puso.
__________3. Si Lito ay may diabetes dahil sa madalas na pagkain ng
mga tsokolate at matatabang pagkain.
__________4. Nagkaroon ng malaria sa evacuation center.
__________5. Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok na naninirahan sa mga
marurumi at basang lugar.
__________6. Diabetic siya katulad ng kaniyang ama.
__________7. Mahilig kumain si Aby ng junkfoods kayâ nagkaroon siya sa Urinary Tract
Infection o impeksiyon sa ihi.
__________8. Nakakaubos ng isang kaha ng sigarilyo si Mang Berto sa maghapon.
__________9. Nahawa si Aling Nelia ng Tuberculosis o TB sa kaniyang pinagtatrabahuang
pabrika.
__________10. Nakadama ng pananakip ng dibdib si Aleng Celia pagkagising sa umaga
tulad ng sa kaniyang ama.