karaniwang isinusulat ng institusyon at organisasyon ang mga posisyong papel ,maari rin kayang indibidwal ang magsulat nito ? bakit?​

Sagot :

Answer:Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong pagsulat. Isa itong sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika, at iba pang mga larangan. Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa.

Sa mag-aaral, isang mabuting pagsasanay ang pagbuo ng posisyong papel sa pagpapatibay ng paninindigan o pagbuo muna ng paninindigan. Isang proseso rin ang pagbuo nito ng pagpapahusay sa paglalahad ng mga suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses o sumasangging mga ideya mula sa paninindigan ng mga mag-aaral upang magdepensa.

Explanation:

#CarryOnLearning