Gawan 1. Sitwasyon ko-Desisyon Mo!
Panuto: Pag-aralan ang bawat sitwasyon sa ibaba. Tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao
kamangmangan, masidihing damdamin, takot, karahasan at gawi.​


Gawan 1 Sitwasyon KoDesisyon MoPanuto Pagaralan Ang Bawat Sitwasyon Sa Ibaba Tukuyin Ang Mga Salik Na Nakaaapekto Sapananagutan Ng Taokamangmangan Masidihing Da class=

Sagot :

Explanation:

salik: takot pananagutan: pumasok ng mas maaga

salik: gawi pananagutan: iwasan ang paghikap habang nagtuturo ang guro

salik: kamangmangan pananagutan: makilahok sa mga gawain ng paaralan

salik: karahasan pananagutan: maibalik ang perang nawala

salik: masidhing damdamin pananagutan: ingatan ang sarili na hindi mapahamak

salik: masidhing damdamin pananagutan: humingi ng tawad para sa ikinilos

Mga Paliwanag:

Ang salik na nakakaapekto kay Fatima kung kaya madalas siyang huli sa pagpasok sa klase ay takot. Ang takot niya na tumawid sa main highway patungo sa paaralan. Samantalang ang pananagutan naman ni Fatima ay ang pumasok ng mas maaga sa nakatakdang oras upang hindi maantala sakaling matagalan siyang tumawid sa main highway patungong paaralan.

Ang salik na nakakaapekto kay Edgardo ay ang kanyang gawi sapagkat nakagawian na niyang mag – inat at humikab. Samantalang ang pananagutan naman niya ay humingi ng tawad sa guro at iwasan na ang paghikab habang nagtuturo ang guro upang hindi na muli maakabala.

Ang salik na nakakaapekto kay Omar upang hindi makilahok sa fire drill ng paaralan ay ang kamangmangan. Samantalang ang pananagutan naman niya ay ang makilahok sa mga sususnod pang gawaing pampaaralan na tulad ng fire drill.

Ang salik na nakakaapekto kay Princess ay ang karahasang dulot ng mga tambay na humarang at sapilitang kumuha ng kanyang pera. Dahil sa pagkataranta ay naibigay niya pati ang perang para sa project kaya naman ang kanyang pananagutan ay maibalik ang perang nawala at magkaroon ng sapat na wastong pag – iisip sa ganitong mga sitwasyon.

Ang salik na nakakaapekto sa fitness instructress ay ang masidhinh damdamin na mailigtas ang bag mula sa snatcher. Ang kanya naming pananagutan ay ang maging maingat upang hindi malagay sa peligrosong sitwasyon.

Ang salik na nakakaapekto sa kilos ni Abdullah ay ang masidhing damdamin dulot ng tuwa sa pagkamit ng mataas na marka sa project gayun pa man siya ay may pananagutan na humingi ng tawad sa kanyang ikinilos at maging maingat sa susunod sapagkat maaaring ang kanyang kilos ay magdulot ng pagkailang at pag – iwas para sa kanyang kamag – aral na babae.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Makataong Kilos:

kamangmangan

karahasan

gawi

masidhing damdamin

takot

Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.

Dalawang Uri:

hindi nadaraig

nadaraig

Ang kamangmangan na hindi nadaraig ay ang kamangmangan dulot ng kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman o di kaya ay walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa pamamagitan ng iba.

Ang kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain ngunit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito.

Ang karahasan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kalooban.

Ang gawi ay tumutukoy sa mga gawain na paulit – ulit ginagawa at naging bahagi na ng sistema ng pangaraw – araw na buhay.

Ang masidhing damdamin ay tumutukoy sa mga dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay, damdamin, o kilos.

Ang takot ay tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay.