1. Ito ay isa sa mga salik na nakaaapekto ng supply na kung saan ang kompetisyon ay nakapagpapabago nito. A. Teknolohiya B.Bilang ng Nagtitinda C. Presyo ng kaugnay na produkto D. Buwis at Subsidi 2. Ito ang tawag sa paraan ng mga suplayer na kung saon tinatago nila ang kanilang mga produkto at ilalabas lamang ito kung mataas na ang presyo nito. A. Bandwagon Effect B. Entrepreneurship C. Hoarding D. Panic Buying 3. Ang mga tao ay pumipili ng ititinda sa kung ano ang uso. Ano ito sa wikang English? A. Bandwagon Effect B. Entrepreneurship C. Hoarding D. Panic Buying 4. Nagbibigay ang pamahalaan nito para sa mga prodyuser katulad ng magsasaka bilang tulong pinansyal para sila ay mas magtanim pa at dumami ang supply. A. Subsidi B. Buwis C. Teknolohiya D. Skills 5. Nang dahil sa kasulukuyang pandemya, ang COVID-19, nagkaubusan ng face mask at alcohol. Anong salik na nakaaapekto sa supply ang halimbawang binigay? A. Bilang ng Nagtitinda B. Buwis at Subsidi C. Halaga ng mga Salik ng Produksyon D. Panahon at Klima 6. Para mas mahasaang mga empleyado, sila ay binbigyan ng allowance para dumalo sa mga seminars. Anong salik na nakaaapekto sa supply ang halimbawang ito? A. Bilang ng Nagtitinda B. Buwis at Subsidi C. Halaga ng mga Salik ng Produksyon D. Panahon at Klima 7. Ang mga iskolar ay nakaimbento ng isang makinarya para mapadali ang pagtatanim ng palay. Anong salik na nakaaapekto sa supply ang halimbawang ito? A. Panahon at Klima B. Teknolohiya C. Ekspektasyon ng Presyo ng Prodyuser D. Presyo ng ibang Kaugnay na Produkto