B. Tukuyin ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na hinango sa tula. Piliin ang letra ng iyong napiling sagot at
isulat ito sa patlang.

6. Ang sariling wika ng isang lahi ay mas mahalaga kaysa kayamanan.
A. Napakahalaga ng wika ng isang bansa, higit na mahalaga sa anumang uri o halaga ng kayamanan.
B. Ang wika ay tulad ng kayamanang maibibilang na tunay na yaman ng bansa.
C. Magiging mayaman ang isang bansa kung ito ay may wika

7. Sapagkat ito'y (wika) kaluluwang lumilipat mula sa henerasyon patungo sa iba
A. Ang wika, kagaya ng kaluluwa, ay maaaring maglakbay sa iba't ibang lugar sa bansa at sa mundo.
B. Ang wika kagaya ng kaluluwa, ay buhay na maaaring ipamana sa susunod na mga salinlahi o henerasyon kung
ito ay patuloy na gagamitin
C. Ang wika ay nagagamit na behikulo upang marating ang iba't iabang pangyayari sa bawat henerasyon at dako.

8. Minanang wikang tinanim sa isipan, iniwan ng ninuno, tulad ng iniingatang yaman.
A. Mahirap iwaglit sa isipan ang ating mabubuting natutuhan mula sa ating mga ninuno.
B. Mayaman ang mga taong may natatanggap na yaman mula sa kanlang ninuno.
C. Ang wika ay pamanang ibinigay sa atin ng ating mga ninuno na kailanman ay mananatili sa ating isipan.

9. Para sa kaunlaran ay hindi dapat masayang tulad ng halamang natuyot ay nangalagas sa tangkay.
A. Kagaya ng halaman, ang wika ay kailangan ng diligin at alagaan dahil mawawala ito kung hindi aalagaan at
babantayan.
B. Mawawala at maglalaho ang wika kung hindi magkakaisa ang mamamayan.
C. Dapat magamit ang wika bilang ksangkapan sa paggamit ng kaunlaran kaya huwag itong balwalain tulad ng
natuyong halaman

10. Wikang Kapampangan ikaw ay mahalaga, sa lahat ikaw ay maikokompara.
A. Ang wikang Kapampangan, gaya ng wikang Filipino, ay mahalaga at natatangi.
B. Ang wikang Kapampangan ay hgit sa anupamang wika sa bansa.
C. Ang wikang Kapampangan ay natatangi at mahalaga kaya sa lahat - ito ang pinakadakila.
ibobotol na rin
tulan bina​