Ano ang ibig sabihin ng tausog?please para sa class ko po ito

Sagot :

Explanation:

Ang mga Tausug o Suluk ay isang pangkat-etniko sa Pilipinas at Malaysia. Ang katawagang Tausug ay nagmula sa mga salitang Tau Sūg na nangangahulugang "mga tao ng agos" (Ingles: "people of the current"), na tumutukoy sa kanilang lupang tinubuan sa Kapuluan ng Sulu. Ang mga Tausug ay tinatawag na Suluk sa Sabah, Malaysia. Ang mga Tausug ay bahagi ng mas malaking pangkat-etniko na Moro, ang ika-anim na pinalalaking pangkat-etniko sa Pilipinas.