Answer:
Ang teknolohiya o aghimuan[1] (Griyego τεχνολογια < τεχνη "kasanayan sa sining" + λογος "salita, pagtutuusin" + ang hulapi ια) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento katulad ng gulong.
Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.
Explanation:
#carry on learning
#mark me brainliest please