II. Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay wasto at (x) naman kung ang pangungusap ay hindi wasto.
1. Naipapakita ang damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng kulay. .
2. Ang mga kulay tulad ng dilaw, kahel, pula, at iba pang kulay ay ginagamit sa mga masasayang
pagdiriwang o selebrasyon tulad ng pista.
3. Sa pagguhit, kailangan bigyan ng pansin ang tamang laki ng mga bagay-bagay at paglalagay ng
foreground, middle ground, at background upang magkaroon ng balance at proporsyon ang dibuho.
4. Mahalaga ang tamang paggamit ng mga kulay.
5. Gumamit ng matitingkad na kulay sa mga bagay na bibigyan diin at mapupusyaw sa mga
maliwanag na bahagi,
6. Ang mga kulay ay nagpapahiwatig ng damdamin at kahulugan ng dibuho.
7. Isa sa elemento ng sining ang espasyo
8. Ang mga elemento sa sining tulad ng linya, hugis at kulay ay nagpapaganda sa disenyo ng isang
kasuotan o palamuti.
9. Ang overlap ay ang pagpapatong-patong ng mga elemento ng sining tulad ng linya, hugis at
bagay sa larawan,
10. Ang mga bagay sa ating kapaligiran ay may iba't-ibang hugis at anyo.​