Sagot :
Answer:
Ang SEX ay tumutukoy sa isang biyolohikal na konsepto na nakabatay sa mga biyolohikal na katangian ng isang tao tulad ng pagkakaiba ng genitalia(ari) ng mga lalaki at babae.
Sa kabilang banda ang GENDER naman ay tumutukoy sa pansarili, panlipunan at pangkulturang perspektibo ng mga tao sa kanilang kasarian.
Hit the thank you button
Answer:
*Ang sex ay tumutukoy sa isang biyolohikal na konsepto na nakabatay sa mga biyolohikal na katangian ng isang tao tulad ng pagkakaiba ng genitalia(ari) ng mga lalaki at babae. Sa kabilang banda ang gender naman ay tumutukoy sa pansarili, panlipunan at pangkulturang perspektibo ng mga tao sa kanilang kasarian.
Sa madaling salita ang sex ay isang biyolohikal na katangian na taglay nang isang tao simula ng siya ay pinanganak at maaari lamang ito mabago kung dadaan sa isang operasyon ang tao na ito para baguhin ang kanyang kasarian. Ang gender naman ay nahuhubog ng personal na pananaw ng isang tao at ang gawi ng lipunan na nakapalibot sa kanya.
*Ang gender ay ginagamit din upang tukuyin kung babae o lalaki ang isang tao ngunit ang ginagamit na batayan ay ang mga panlipunan at pang-kulturang pagkakaiba ng dalawang kasarian. Minsan ay ginagamit din ang gender upang tukuyin ang pagkakilanlan ng isang tao na hindi pasok sa karaniwang kahulugan ng lalaki at babae.
Ang karaniwang batayan ng gender ay ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan: ito ay pagiging masculine o feminine. Sila ay inaasahan na susunod sa mga katangian o gawain na itinakda at kinikilala ng lipunan.
Isa sa halimbawa nito ay may mga tao ng tinuturing nila ang kanilang sarili bilang non-binary, kung saan ang isang non-binary ay hindi sumusunod sa tradisyonal na male-female binary ng lipunan. Isang halimbawa ay pagsusuot ng mga pananamit na ginawa para sa kabilang kasarian at kumikilos na tulad sa kabilang kasarian.
Explanation:
Sana makatulong