PAKIKIPAGKAIBIGAN
URI NG PAKIKIPAGKAIBIGAN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Mga pagpipilian:
A. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
Mga kasagutan:
- B
- C
- A
- C
- A
Paliwanag:
- Sa panahong magkasama sila Jenny at Gina sa paglalaro ng Volleyball ay nakadarama sila ng kasiyahan subalit nawala ang kasiyahang ito sapagkat hindi na nakabatay sa paglalaro ang pakikipagsalamuha nila.
- Pinahahalagahan nina Herald at John ang kanilang pinagdadaanan sa buhay anuman ito. Kaya, ang matatag nilang samahan ay para sa kanilang kabutihan.
- Sina Pauline at Mikai ay isasama si Berna upang makapag-mall para yayaing magsine subalit hindi nila muna papansinin si Berna kung hindi siya pumayag. Ang pakikipagkaibigan ng dalawa ay nakabatay lamang sa kanilang mga pangangailangan.
- Pinahahalagahan nina Kriselle at Anne ang kanilang pag-aaral na sila ay magkasama kahit may kinahaharap silang pagsubok na siyang nakabubuti sa kanila. Kaya ang pakikipagkaibigang nakabatay rito ay para sa kabutihan nila.
- Si Lorie ay sumama kay Michelle para lang mapakopya sa kanilang takdang-aralin. Ito ay nakabatay sa pangangailangan ni Lorie.
#BrainliestBunch