Sagot :
Answer:
Mga Epekto ng Globalisasyon
1. Pagtaas ng antas ng kahirapan sa ating bansa dahil sa mataas na antas ng kawalan ng trabaho at mataas na antas ng kompetisyon sa trabaho sa merkado - Sa 80 milyong ka-tao na naninirahan sa Pilipinas, 60% ng populasyon na iyon ay nabubuhay sa kahirapan. Mabuti man ang takbo ng ekonomiya, ngunit hindi pa rin ito maitutulad pagdating sa ibang mga bansa. Bilang resulta nito, nagkakaroon tayo ng kakulangan sa trabaho at syempre kahirapan dulot ng paglaki ng agwat ng mayayaman sa mahihirap.
2. Paglago ng iba’t ibang sangay ng agham na natutuklas ng gamot sa
pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga epidemya - Masasabi ko na mabuti ang epekto na ito sa kadahilanang mabibigyan at matutugunan ang pangangailangan ng gamot para sa mga iba’t ibang uri ng sakit at epidemya. Sa kasalukuyan, patuloy na nananaliksik ang mga propersyonal sa medicine upang makatuklas ng mga gamot laban sa COVID-19 virus. Nakakatuwang isipin na bawat bansa ay nagtulong-tulungan sa pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga epidemya.
3. Sinisikap na mapabuti ng mga lokal na kompaniya ang presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompaniya o mga multinasyonal - Nakakabuti ang pagiging kompetitibo laban sa mga banyagang kompaniya o mga multinasyonal upang matuklasan ng isang kumpanya ang kanilang kakayahang maghatid ng pinakamaayos na kalidad at serbisyo na kaya nilang maibibigay. Bukod rito, mas makilala ang kanilang produkto at lalago rin ang kompaniyang pinanggalingan nito.
4. Pagbilis ng pagbibigay-tugon ng iba’t ibang bansa sa mga nasalanta ng kalamidad - Ang mabilis na pagbibigay-tugon sa mga nasalanta at naapektuhan ng kalamidad ay nakabubuti para matulungan agad ang mga kababayang nasa mapanganib na kalamidad at upang mailigtas agad sila sa kalamidad.