Tayahin Basahin ang mga tugma. Piliin ang pang-abay na ginamit sa bawat tugma at ibigay ang uri nito. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 1. Sayang ang linamnam ng bunga ng manga Kapag hinayaang mabulok sa sanga 2. Hindi tayo hihintayin ng panahong nagdaan Ang sandaling nakalipas ay yayao nang lubusan. 3. Ang landas ng buhay ay mistulang bundok Madaling bumaba at magpadausdos. 4. Sa bukid kaygandang pagmasdan Mga dahon ng palay sadyang nagsasayawan 5. Kahapon lamang tayo'y nag-awitan Nang awit ng pagmamahalan. 6. Sa isang punongkahoy, di malayo sa sapa May isang munting ibong dumapo sa sanga. 7. Sa saliw ng tugtugin, sa marangyang bahay Mabining nagsasayawan, naggagandahang dilag 8. Bansang Pilipinas sagana sa maraming prutas Sa bakuran laging pinipilas. 9. Masaya ang pamilyang laging nagkakaunawaan Laging nagdadamayan sa oras ng pangangailangan. 10. Tuwing Disyembre sasapit ang kapaskuhan Nagdudulot ng labis na kasiyahan