Sagot :
Answer:
.
Ang Europa, base ng laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. Ang Rusya ay ang pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal na Lungsod ng Vaticano ay ang pinakamaliit.
Ang Europa ay isa ring kontinente ng kasaysayan sapagkat ito ang itinuturing na ang lugar na kapanganakan ng kulturang Kanluranin at dito rin lumaki at lumago ang mga makalumang sibilisasyon ng Sinaunang Roma at ng Sinaunang Gresya. May malaking ginanap na papel ang kontinente ng Europa sa kasaysayan na mapapatunayan sa mga pangyayari at mga naganap rito noong mga iba't ibang panahon na nakalipas. Mapapatunayan ito sa mga ika-14 at ika-16 na siglo na ang Europa ay may malaking ginanap sa kolonyalismo ng mga iba't ibang parte ng mundo. Ang Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasentro rin sa Europa. Sa Digmaang Malamig naman, ang Europa ay hinati sa dalawang parte, ang isa na panig sa NATO at isa sa Unyong Sobyet. Sa taong 1991 naman nagawa ang organisasyong Unyong Europeo na naglalayong pagkaisahin ang buong kontinente.
Ang kasaysayan ng Europa ay ang lahat ng mga panahon nang magsimulang mamuhay ang mga tao sa kontinente ng Europa hanggang pangkasalukuyang panahon.
Kasaysayan
Sinaunang Tao at ang Sinaunang Gresya
Ang unang katibayan ng pagkakaroon ng mga mga homo sapiens (taong pangkasalukuyan) sa Europa ay matutunton magmula 35,000 BK. Maipepetsa ang sinaunang panahon sa Europa mula sa Iliad ni Homer sa Sinaunang Gresya noong bandang 700 BK.
Mga Romano
Ang Republikang Romano ay itinatag noong 509 BK, na naging Imperyo Romano sa pamumuno ni Octaviano dahil sa kapangyarihan taglay ng lungsod ng Roma. Naging relihiyon ng imperyo ang Kristiyanismo noong ika-4 na daantaon, at naisaayos noong ika-6 na daantaon, sa loob ng imperyo, dahil kay Emperador Justiniano II (527–565) na may limang pinakamahahalagang mga lungsod: Roma, Konstantinople, Antioch, Herusalem, at Alexandria. Ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano ay ang hudyat ng pagbagsak ng kultura at sining ng Kanlurang Europa. Nanatili ang kabihasnang Romano sa Silangan, sa Silangang Imperyong Romano.
Pyudalismo/Gitnang Panahon
Ang paghihiwalay o paghahati sa loob ng kapangyarihan ng simbahan noong ay naidagdag sa mas maagang paghihiwalay na nagpatuloy magmula 451 (Konseho ng Chalcedon) at nasundan ng mga Krusada mula sa Kanluran upang mailigtas ang silangan mula sa paglusob ng mga Muslim. Nagsimulang humina ang piyudalismo sa Europa ng manawagan si Pope urban para sa Krusada upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim. Ang isa pang dahilan ay ang pagpasok ng Bubonic Plague o Black Death.[1] Bumagsak ang Konstantinople noong 1453,[2], ngunit natuklasan naman ang bagong mundo noong 1492.
Renasimyento
Nagising ang Europa mula sa panahong midyibal sa pamamagitan ng pagkakatuklas ng pagkatutong klasikal. Ang Renasimyento ay nasundan ng Repormasyong Protestante, habang inatake ni Alemang pari na si Martin Luther ang kapangyarihan ng Santo Papa. Ang Tatlumpung Taong Digmaan[3], ang Kasunduan ng Westphalia (Kapayapaan ng Westphalia), at ang Himagsikang Maluwalhati ay naglatag ng batayan para sa isang bagong panahon ng pagpapalawak at pagkamulat.
Republusyong Industriyal
Ang Republusyong Industriyal, na nagsimula sa Dakilang Britanya, ang nagpahintulot sa mga tao sa unang pagkakataon na humiwalay mula sa pamumuhay na umaasa sa pagsasaka lamang.[4] Nahati ang maagang Imperyong Britaniko dahil sa panghihimagsik ng mga kolonya nito sa Amerika upang maglunsad ng pamahalaang may kumakatawan. Napasigla ng Himagsikang Pranses ang pagkakaroon ng pagbabagong pampolitika sa Europang
Answer:
yan po ang rettrato na alam ko lang kay
carry on learning thank sa lahat na tulong ko