Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Salungguhitan ang mga pang-abay na pamaraan na ginamit sa pangungusap.
Bilugan naman ang kilos na inilalarawan nito.
1. Si Inigo ay tumulong sa mga nasalanta ng bagyo nang bukal sa loob.
2. Sama-samang pumunta sa evacuation center ang magkakaibigan upang ibigay ang kanilang donasyon.
3. Masayang ipinagluto ni Irene ang mga biktima na nasa mga evacuation center.
4. Maingat na pinili ni Jolo ang kaniyang mga lumang gamit na ibibigay sa mga nangangailangan.
5. Matagal nang pinag-ipunan ni Marian ang perang ibibigay niya sa mahihirap.​