1. Ahas -
2. Basang Sisiw -
3. Litrato ng Puso-
4. Umusbong -
5. Nagpantay na paa​


Sagot :

Answer:

KONOTASYON AT DENOTASYON

Konotasyon

Ang konotasyon ay ang pagbibigay kahulugan sa isang salita sa matalinghagang pamamaraan o batay sa ating sariling karanasan bilang pagpapahayag ng mga emosyon

Denotasyon

Ang denotasyon ay ang kahulugan ng isang salita na tumutukoy sa literal nitong nais ipahayag at maaaring magmula sa mga pahayagan o diksyunaryo.

1. Ahas

Konotasyon: Taksil, manloloko, suwail

Denotasyon: Isang hayop na nakagagalaw gamit ang balat sa katawan lamang

2. Basang sisiw

Konotasyon: Inaapi o kaawa-awang antas ang kinabibilangan sa buhay.

Denotasyon: Isang anak ng manok o tinatawag ngang sisiw na basa o napapalibutan ng tubig.

3. Litrato sa puso

Konotasyon: Isang pag-ibig o pagmamahal para sa isang tao na hindi nawawala.

Denotasyon: Isang litrato na nakalagay sa puso.

4. Umusbong

Konotasyon: Lumalagong lakas o kasikatan

Denotasyon: Pagiging kilala o pag-unlad

5. Nagpantay na paa

Konotasyon: Yumaong tao, o wala ng buhay

Denotasyon: Nasa iisang sukat o lugar ang dalawang paa kung kaya't pantay.

Halimbawa sa mga pangungusap.

1. Ahas

Konotasyon:

Ahas ang itinuring kong kaibigan, kanyang niloko ang aming pamilya.

Denotasyon:

Ang ahas sa kabilang bayan ay pinagkaguluhan ng publiko kanina.

2. Basang sisiw

Konotasyon:

Kami ay kanilang inaapi dahil kami daw ay mga basang-sisiw

Denotasyon:

Ang basang sisiw kanina sa plaza ay nanginginig na dahil sa lamig ng panahon.

3. Litrato sa puso

Konotasyon:

Pag-ibig ko sa kanya ay isang litrato sa puso, nakaukit na sa habang buhay.

Denotasyon:

Ang litrato sa puso na kanyang ginawa bilang proyekto ay naipasa na.

4. Umusbong

Konotasyon:

Siya ay umuusbong na sa larangan ng pakikipagtalastasan

Denotasyon:

Ang mga puno sa ating bansa ay nagsisimula umusbong dahil sa klima.

5. Nagpantay na paa

Konotasyon:

Nagpantay na paa ang aming dinatnan matapos namin siyang bisitahin sa hospital

Denotasyon:

Nagpantay na ang paa ng aming kapatid dahil sa paulit ulit niya itong sinasaayos.

#BrainliestBunch

Explanation: