ARALING PANLIPUNAN 6 THIRD QUARTER 2020-2021 A. Instrumento ng Neokolonyalismo. Suriin kung anong instrumento o paraan ng neokolonyalismo ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang P kung pampolitika, E kung pang-ekonomiya, K kung pangkultura, at M kung pangmilitar sa patlang. 1. Pagpapakilala ng kanluraning uri ng pananamit. 2. Pagbibigay ng mga labis na armas. 3. Pagpapautang ng pondo para sa pagpapaunlad. 4. Pagsama sa United Nations upang pangalagaan ang kapayapaan. 5. Pagpapadala ng mga sundalo at pulis sa mga pagsasanay. 6. Pagpasok ng iba't ibang pagkaing Amerikano rulad ng hotdog at hamburger. 7. Paggamit ng English sa pagtuturo sa mga paaralan. 8. Pagbibigay ng suportang pinansiyal. 9. Pagtulong sa isang pinuno upang manatiling tapat sa US. 10. Pagpapakilala sa mga libangang gaya ng telebisyon at sine.