Magbigay Ng 5 mga paniniwalang pangkalusugan na may kinalaman sa Puberty at Misconception​

Sagot :

Paniniwalang Pangkalusugan Tungkol sa Puberty

Maraming paniniwalang pangkalusugan ang mga tao tungkol sa puberty. Narito ang ilan sa mga ito:

  1. Ang mga pimples ay resulta ng pagiging marumi.
  2. Masamang maligo ang mga babae kapag may regla.
  3. Hindi dapat nagbubuhat o gumagawa ng mabibigat na gawain ang babaeng may regla.
  4. Hindi pagpapakita ng ari sa mga kababaihan matapos matuli sapagkat ito ay mangangamatis.
  5. Ang pagpapa tuli ay nakapagpapabilis ng pagtangkad.

Ano ang puberty?

Ang puberty ay tumutukoy sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Ang panahong ito ay maaaring nakakalito para sa mga bata. Nakakaranas sila ng mga pagbabago sa kanilang katawan na hindi nila naiintindihan. Dahil dito ay mahalaga ang gabay ng mga magulang. Sa katunayan ay mayroong mga paniniwala ang mga nakakatanda na binabahagi sa mga bata.

Ang ilan nga sa mga paniniwala tungkol sa puberty ay ang mga nabanggit sa itaas. Hindi man napatunayan ang mga paniniwalang ito na totoo ay patuloy parin itong naipapasa-pasa sa bawat henerasyon. Wala namang masama sumunod sa mga ito.

Mga pagbabago sa pagbibinata at pagdadalaga:

https://brainly.ph/question/2687529

#BrainlyEveryday