ano ibig sabihin ng tanikalang ginto​

Sagot :

Answer:

Tanikalang Guinto

Isang paraan ng pagtingin sa isang dula ang teoryang sosyolohikal. Sinusuri nito kung anong klaseng lipunan ang mayroon sa panahong sangkot sa dula. Kadalasan, salamin ng nagaganap sa kapaligiran ang nangyayari sa mga tauhan sa dula. Sa dulang “Tanikalang Guinto”, ang mga tauhan, bagay, at kaganapan rito ay may kanya-kanyang sinisimbolo na kapag sinuri mo pang mabuti ay naglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng kolonyal na pananakop ng mga Amerikano.

Isang dula hinggil sa balak na pagpapakasal (simbolo ng kalayaan) nina K’Ulayaw (simbolo ng rebolusyonaryo) at Liwanag (simbolo ng tunay na pagmamahal sa bayan), na pilit hinaharangan ni Maimbot (simbolo ng mga Amerikano) ang dulang “Tanikalang Guinto” ni Juan Abad. Ipinagtapat ni Dalita (simbolo ng inang bayan) na kapatid ni K’Ulayaw si Nagtapon (simbolo ng mga Pilipinong taksil at nagpagamit sa mga Amerikano). Naging kasabwat ni Maimbot si Nagtapon sa planong paglalayo ng magkasintahan. Sinuhulan ni Maimbot si Liwanag ng tanikalang ginto (simbolo ng pangakong pagtulong ng mga Amerikano) at sandaling nasilaw dito. At sa huli, namatay si K’Ulayaw sa kamay ni Nagtapon. Sa sobrang pagkalungkot, magpapakamatay din dapat si Liwanag ngunit pinigilan siya ni Diwa (simbolo ng patuloy na pakikipaglaban).

Sa mga sinabi ko sa taas, makikita natin kung anong klaseng lipunan mayroon noong panahon ng mga Amerikano. Aktibong nakikipaglaban ang mga rebolusyonaryo sa mga dayuhang pilit na sinasakop ang kanilang inang bayan. Ang nais lang naman nila ay makamit ang kalayaang inaasam nila mula sa mga dayuhan, na pilit naman nilang sinisira ang pangarap na iyon. Sa halip na magtulungan ang bawat Pilipino, mayroong mga taksil na tinutulungan at nagpapagamit sa mga Amerikano. Malamang, nasilaw sila sa pangakong pagtulong sa kanila nga mga dayuhan. Sa huli, hindi rin magtatagumpay ang mga nakikipaglaban sa mga Amerikano sapagkat may mga taksil nga. Ngunit, patuloy pa rin ang pakikibaka at masasawi silang mili. Sa madaling salita, magulo at paulit-ulit ang mga kaganapan sa lipunan noon.

Ngayong halos 61 na taon na ang nakalipas nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, maaari ba nating sabihin na maayos na ang ating lipunan ngayon? Para sa akin, hindi. Noon, nagkaroon ng people power dahil gusto na ng bayan mapatalsik si dating Pangulong Marcos. Ngayon, nitong nagdaang mga linggo, maraming kilusang protesta ang naganap. Umuulit muli ang kasaysayan. Tumayo si Jun Lozada bilang saksi sa nangyayaring korupsyon sa loob ng gobyerno. Ayaw aminin ng gobyerno ang ginagawa nila at ikinagalit ito ng bayan. Hindi ba’t parang pamilyar ito? Ang mga nangyayari ngayon ay kahawig ng mga pangyayari sa “Tanikalang Guinto”. Si Lozada ang K’Ulayaw at si Pangulong Arroyo ang Maimbot. Ang mga kasabwat naman ni GMA ay ang mga Nagtapon ng bayan. At sa kabilang dako, ang tanikalang ginto ay ang pangakong pagpapalaya ng mga Amerikano sa Pilipinas. Subalit kung titignan, hindi naman talaga nila pinalaya ang Pilipinas. Nandito pa rin naman ang mga Amerikanong sundalo.

Bilang konklusyon, ang dulang “Tanikalang Guinto” ay naglalarawan kung anong klaseng lipunan ang mayroon nuong panahon ng mga Amerikano, walang kalayaan. Mapapansin din na ang ganitong klase ng lipunan ay patuloy pa rin namang nabubuhay hanggang sa kasulukuyan. Hindi makalaya ang Pilipinas mula sa mga kasinungalingan at dumi ng gobyerno. At sa ayaw’t sa gusto ko, hindi lamang sa gobyerno nanggagaling ang problema, sa lipunan din. Puwede nating sabihin na mahirap makatakas sa ganitong klase ng lipunan sapagkat para itong isang bilog, walang katapusan. Parehong nagdudulot ng problema ang gobyerno at lipunan ngunit ayaw ng dalawa magtulungan. Kaya naman, magpapatuloy lamang ang ganitong lipunan hanggang sa mga susunod pa na henerasyon.

mark me as the brainliest